JC Tiuseco puts on more lean muscle for Sisid role
Isa sa mga pangunahing tauhan sa bagong GMA-7 series na Sisid si JC Tiuseco.
Maninisid ng perlas ang papel ni JC sa Sisid, at sa pictorial pa lang nito pinag-usapan na ang “short-shorts” na suot ni JC.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa Facebook account nito kamakailan, tinanong ng PEP kung ano ang reaksyon niya nang unang ipakita sa kanya ang shorts at sabihan siyang isusuot niya ito.
“I was kinda shocked at first, pero siyempre kung para naman sa role yun okay lang,” sagot ng unang Survivor Philippines winner at dating college basketball star at model.
PEP: Nag-undergo raw kayo ng training sa pagsisid at paglangoy para sa Sisid, masasabi mo bang mas mahirap ito kaysa sa mga naranasan mo sa Survivor Philippines noon?
JC: “Mas mahirap pa rin yung sa Survivor pero siyempre we also have to focus sa mga tinuturo sa amin to avoid accidents.”
Speaking of Survivor Philippines, if given a chance to do another Survivor experience, gagawin mo pa ba? Bakit?
“It really depends on the situation. Super miss ko na rin yun Survivor. Ha-ha!”
This summer, bukod sa Sisid, anong pinagkakabalahan mo?
“If wala kami taping ng Sisid, I’m usually in the gym lang naman or at home watching DVD.”
Saan ka ba pumunta o nagbakasyon this summer, at bakit doon?
“Actually, I just stayed home and nag-rest lang… I didn’t go anywhere.”
Tila mas nagkaroon ng mass ang katawan mo, pinlano mo ba talagang magdagdag ng muscles? Bakit?
“Yup, I actually wanted to gain more lean mass in preparation for Sisid din, for the role, and it feels great when you see results.”
Ano ang tip mo sa mga gustong magkaroon ng katawang katulad ng sa iyo?
“Discipline, motivation, determination ang mga kailangan nila. Anyone can do it naman, as long as determined sila na ma-achieve yung goal nila.”
In one interview, inamin mo na loveless ka ngayon, pero para sa mga may crush sa iyo diyan na naghihintay na pansinin mo sila, anu-ano ba ang mga katangian ng isang babaeng puwedeng maging girlfriend mo?
“Mabait, understanding, caring, not maarte, simple, and has a good heart.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment