BB Gandanghari out of Padilla Brothers movie: “Yung hinahanap kasi nila na kapatid nila, 150 pounds ago pa yun. Hindi na siya puwede sa action!”


Nakahinga nang maluwag si BB Gandanghari nang marinig ang masigabong palakpakan matapos ang press preview ng kanyang pinagbibidahang stageplay, ang Halik Ng Tarantula.
 

Hindi maitago ni BB ang sobrang kaligayahan nang makausap ng PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng curtain call.Ginanap ang press preview ng Halik Ng Tarantula kagabi, March 6, sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan City.
Aniya, “Para akong nanganay!
“This is the night na hinintay ko nang pagkatagal-tagal.
“Alam n’yo naman ang pinagdaanan naming lahat para dito.
“Aside from four types of rehearsal na ginawa namin, yung pag-memorize ng lines, you do the rehearsal seven times a day.
“Binasa ko yung book, you talk to Direk Soxy [Topacio]… and a lot more.
“I watched pa the film until I came up with my own.
“Kaya kung nakikita ninyo, iba yung approach namin.
“All those… hay, I’m so happy na maganda ang feedback from you!
“I still have two more days [March 7 and 8] then that’s it.”
STAGE ACTING. Napalaking transformation para kay BB ang pagganap mula sa pelikula at telebisyon hanggang sa entablado. 
Aniya, “Ibang-iba, e. Ang theater, sabi ko nga, e, parang atleta ‘yan.
“Every day, you have thirteen routines, you rehearse it, and then you wait for that moment na you present everything that you prepared for.

Source: PEP.PH
=======================================================================

No comments:

Post a Comment