Piolo Pascual on being seen constantly with Shaina Magdayao: “Shaina and I are friends, we are good friends. Yes, she’s special.”


Matapos nilang ma-link dati dahil sa paglabas ng mga litratong magkasama sa Singapore nang mag-show ang ASAP abroad noong nakaraang taon, pansamantalang nanahimik ang isyu na nag-ugnay kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.
Pero ngayon ay muling nabubuhay ang nasabing balita dahil nakikita na naman ang dalawa na magkasama sa mga lakaran.


Nakita silang kumakain sa isang resto sa Greenhills, bukod pa sa lumabas sa Instagram na larawan nila na kasama ang kapatid ng aktor at ilang malalapit na kaibigan sa isang videoke bar.
Patunay lamang daw ang mga ito na tuloy pa rin ang anumang espesyal na namamagitan kina Piolo at Shaina.
Sa nakaraang summer station ID shoot ng ABS-CBN noong Huwebes, March 7, sa Dolphy Theater ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at CinemaNews si Piolo.


CONSTANTLY TOGETHER. Hindi naman nito ipinagkaila na lumalabas silang dalawa ni Shaina. Pero binigyang-linaw rin niya na magkaibigan lang talaga sila ng aktres.
Saad niya, “Okay naman kami, we’re friends.
"Ang dami naming mga ginagawa na kung anu-ano. Ang tawag namin sa pinanaggagawa namin, 'pagbabakulaw.'
"Lahat na lang—takbo, badminton, Bikram [yoga], kung anu-ano—and it’s fun.”
Ano na ba ang estado ng relasyon nila ngayon?
“Wala naman, we’re okay.
"There are things you don’t entertain... it just happened.
"Shaina and I are friends, we are good friends.
"Yes, she’s special,” sagot ni Piolo.
Magkasama sila sa pelikulang On The Job kung saan sila ang magkapareha sa istorya. Para sa iba ay maaaring ito ang nagbukas muli ng daan para maibalik ang closeness nila dati na naantala dahil sa mga intriga. Sabi ni Piolo tungkol dito, “We’ve always been friends.



Source: PEP.PH
=================================================================





No comments:

Post a Comment