Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV


Si Marian Rivera ang itinanghal na Best Drama Actress sa 27th Star Awards for Television para sa Temptation of Wife; samantalang si Coco Martin ang nanalong Best Drama Actor para sa Juan dela Cruz, ka-tie si Richard Yap para sa Be Careful With My Heart.

PHOTO: ALLAN SANCON

Nag-tie for Best TV Station ang rival networks na ABS-CBN at GMA sa 27th PMPC Star Awards for Television, na ginanap kagabi, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Ang Star Awards for TV ay taunang ipinamamahagi ng Philippine Movie Press Club (PMPC).


DRAMA CATEGORY. Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang itinanghal na Best Drama Actress para sa pagganap niya sa Temptation of Wife.

Tinalo ni Marian sa kategoryang ito sina Carla Abellana (My Husband's Lover), Janice de Belen (Ina Kapatid Anak), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart)...

Judy Ann Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Kim Chiu (Ina Kapatid Anak), Maja Salvador (Ina Kapatid Anak), at ang Superstar na si Nora Aunor (Never Say Goodbye).

Nag-tie naman bilang Best Drama Actor ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Richard Yap.

Si Coco ay nanalo para sa kanyang pagganap sa Juan dela Cruz at si Richard ay para naman sa Be Careful With My Heart.

Tinalo ng dalawa sina Bong Revilla Jr. (Indio), Dennis Trillo (My Husband's Lover), John Lloyd Cruz (A Beautiful Affair), Piolo Pascual (Apoy Sa Dagat), at Tom Rodriguez (My Husband's Lover).

Hindi nakadalo si Richard upang personal na tanggapin ang kanyang tropeyo.

Ang Juan dela Cruz ng ABS-CBN ang napili ng PMPC bilang Best Primetime Drama Series.

Best Daytime Drama Series naman ang Be Careful With My Heart ng ABS-CBN pa rin.

Best Drama Supporting Actress si KC Concepcion para sa kanyang kontrabida role sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Nag-tie rin sa Best Drama Supporting Actor sina Arjo Atayde (Dugong Buhay) at Arron Villaflor (Juan dela Cruz).

Ang Magpakailanman ng GMA ang nanalong Best Drama Anthology.

Sina Nikki Gil at Carlo Aquino ang nagkamit ng Best Single Performance By An Actress and Actor trophies, respectively, para sa kanilang pagganap sa magkaibang episodes ng MMK (Maalaala Mo Kaya).

Si Nikki para sa "Ilog" at si Carlo para sa "Pulang Laso."

Source: pep.ph

No comments:

Post a Comment