Rico Blanco not concerned with ratings of Kanta Pilipinas; reveals: “I’m not an expert in the ratings game, e, so I’ll leave that to the experts.



Bilang host at judge ng Kanta Pilipinas, ipinagmamalaki ni Rico Blanco ang natitirang 12 finalists ng naturang original singing reality search ng TV5.
Lahat daw ay nakikitaan niya ng malaking potensiyal para makagawa ng pangalan sa music industry


Naging close na rin daw siya sa mga ito kaya kahit pagkatapos ng grand finals ay handa pa rin niyang i-mentor ang mga ito.
“Kahit matapos ito libre yung services ko bilang kasama nila sa industry. Kung gusto nila ng opinion ko, nandito lang ako bilang napalapit na rin sila sa akin. I want all of them to succeed,” sabi ni Rico.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rico sa Rockeoke Night na inihanda ng TV5 para sa Kanta Pilipinas host-judge kasama ang ibang finalists na nakipag-jamming sa co-owned restobar ni Rico—ang Alphonse Bistro sa City Golf Plaza sa Julia Vargas Avenue, Pasig City noong Marso 7.
Mula sa 24 talented Kanta Pilipinas hopefuls, ang finalists ay na-trim down sa Top 12 na kinabibilangan nina Fil-Spanish rock princess Thara Jordana, brother-sister duo Nicole and Carlo David, the girl-next-door from Davao Dea Formilleza, Fil-Am crooner Timmy Pavino, music wonder from Quezon City Allan Gonzales, singing hunk group 5az1, singing ambassadress of Operation Smile Chadleen Lacdo-o, Las Pinas dynamic singing duo Daniel Grospe and JB Landrito, sweet voice of Bicol Pia Diamante, former New Bord Divas member Jennifer Maravilla, Ilonggo rakista Ricky Deloviar, at Boracay-based singer-songwriter Ferns Tosco.
Excited nga raw si Rico sa magiging career ng mga ito pagkatapos ng contest.
“Excited lang ako for all of them. Yung stage na ibinigay ng TV5 para sa kanila, it’s something na hindi naibibigay sa kahit kanino lang. This is really a blessing for everyone involved.
“So, I’m excited, I can’t wait for mga two years down the line. I want to see who did the best they could with the opportunity given to them.”
A TRICKY ROLE. Paano naman naihihiwalay ni Rico ang sarili niya sa pagiging host at judge ng Kanta Pilipinas?
“Actually, honestly, tricky siya. Okay, hindi muna ako judge, unang-una musician ako, performer ako, so malapit lahat sila sa akin.
“Nakikita ko ang sarili ko sa lahat sa kanila. Pantay-pantay ko silang binibigyan [ng advice] kung paano nila mapapaganda, ganun.
“Pero pagdating ng deliberation yun ang mahirap, kailangan mong maging fair especially doon sa nag-perform ng maganda. Kahit gusto mo yung isa, contest siya, e.
“Pero yung mismong performance niya that day yun ang magiging basis mo, hindi pwede yung nakaraan o yung nakita mo sa rehearsal.

Source: PEP.PH
===========================================================

No comments:

Post a Comment