“Sana dumating sa isip niya na lahat ng ginawa niyang ito e may hangganan," ang sabi ni Paul Cornejo (inset), ama ni Deniece (main), sa host/comedian na si Vhong Navarro. PHOTO: RACHELLE SIAZON (MAIN); SCREENGRAB FROM AKSYON (INSET) Hindi naitago ni Paul Cornejo ang galit na nararamdaman niya kay Vhong Navarro sa exclusive interview sa kanya ni Cheryl Cosim para sa Aksyon ng TV5. Si Paul ang ama ni Deniece Cornejo, isa sa mga akusado sa serious illegal detention kay Vhong at kasalukuyang nakakulong sa Anti-Transnational Crime Unit ng PNP- CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), Camp Crame, Quezon City. Nagtatrabaho si Paul bilang crew member ng barko, at umuwi ito ng bansa para dalawin ang nakapiit na anak. Ayon kay Paul, nalaman niya sa Facebook ang kaso na kinasasangkutan ni Deniece. “Sana dumating sa isip niya na lahat ng ginawa niyang ito e may hangganan. "At alam ko na may pinagdadaanan siya dahil minsan na niyang nasabi na hindi siya komportable sa nararamdaman niya at nade-depress siya. "Ano ang ibig sabihin no’n?” ang pahayag ni Paul tungkol kay Vhong pero hindi niya binanggit ang pangalan ng TV host/ comedian. “Sinira niya ang pangarap ng aking anak. Pininsala niya ang pagkatao ng aking anak, ng buong pamilya namin." Bilang ama, masakit para sa kanyang makita ang kundisyon ng anak sa Camp Crame. “Hindi ko makayanan na makita na ‘yon ang tinutuluyan niya, lalo na nung nakaposas pa siya. “She’s not telling straight na, 'Daddy, nahihirapan ako,' but by the way I look at her, she’s strong. "But I know medyo giba na rin ang loob niya." Naging emosyonal ang pagkikita ng mag-ama noong August 5, nang dalawin ni Paul si Deniece sa kulungan nito. Sumuko ang dalaga sa pulisya noong May 5. Read more at: http://pep.ph/news/44530/paul-cornejo-on-vhong-navarro-sinira-niya-ang-pangarap-ng-aking-anak Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook |
NAGSALITA NA: PAUL CORNEJO ON VHONG NAVARO "SINIRA NIYA ANG PANGARAP NG AKING ANAK"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment