Sa December 30, 2014, magaganap ang isa sa pinaka-engrandeng kasalan sa kasaysayan ng bansa.
On that special day, Ms. Marian Gracia Rivera will be forever called Mrs. Marian Gracia Rivera-Dantes.
Pero ang tanong siguro marami: Sino kaya ang gagastos for the wedding of the year? Si Dong ba o si Marian?
Iyan ang tanong o “point of contention or discussion” between engaged couples.
Para sa Three Play host ng Barangay LSFM radio station na si Papa Obet, walang tanong-tanong kung sino ba dapat talaga ang dapat mag-shoulder ng bulk of the expenses sa wedding.
It’s the groom’s prime responsibility, aniya.
Saad niya, “Bilang isang lalaki, may pride ‘yung mga lalaki bilang isang groom. Andoon ‘yung pride bilang isang lalaki, kahit hindi ka groom na, ‘Hindi ah! Pangalan ko ang nakasalalay diyan. Apelyido ko ang nakasalalay diyan. Gagastos at gagastos ako. Kahit sabihin mong wala akong pera, uutang at uutang ako para gastusan ‘yung kasal’.”
Pero kung practicality daw ang pag-uusapan, walang masama kung parehong ang groom at bride ang maghahati sa expenses.
“Siguro ang responsibility na gumastos nakasalalay talaga sa kanilang dalawa. Hindi ako naniniwala na kailangang lalaki lang talaga ang gagastos. Hindi kailangang babae. Pero, automatically, ang groom ang mas kailangan ng malaking part dito. Then, ang the decision naman sa bride,” he said.
Importante din daw sabi ni Papa Obet na kailangang ibigay at igalang ng groom ang desisyon ng bride, when it comes to the wedding preparations.
Sa abot ng kanyang makakaya, kailangang ibigay ni husband-to-be ang lahat sa kanyang future wife, dahil it is their special day.
“Obligasyon ng lalaki na i-carry talaga or magbigay siya ng malaking part sa kasal, sa gastusan. And then kung magde-demand naman ‘yung bride na huwag mo nang bilhin ‘yung ganyan kasi matagal ko nang pinaplano ‘yan. Ako na ‘yung gagastos diyan. Ibigay mo ‘yung gusto niya at sa ibang paraan ka na lang gagastos,” dagdag niya. -- Aedrianne Acar, GMANetwork.com
SOURCE: http://www.gmanetwork.com/news/story/377009/showbiz/si-dingdong-o-marian-sino-ang-dapat-sumagot-sa-gastos-sa-kanilang-kasal
No comments:
Post a Comment