DENIECE CORNEJO CLAIMS VHONG NAVARRO RAPED HER NOT ONCE, BUT TWICE



Hindi lang isa, kundi dalawang beses daw ginahasa ni Vhong Navarro si Deniece Cornejo.
Ito ang laman ng counter-affidavit ni Deniece na isinumite sa Department of Justice (DOJ) prosecution panel noong Biyernes, February 21, 2014, sa ginawang second preliminary investigation ng mga reklamong isinampa ni Vhong laban kay Deniece, sa magkapatid na Cedric at Bernice Lee, at iba pang mga akusado.
Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Deniece na “oral sex” lamang ang nangyari sa kanila ni Vhong noong unang nagpunta ang aktor sa kanyang condo unit sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, Taguig, noong January 17, 2014.
Sabi ni Deniece noon, nangyari ang panggagahasa diumano sa kanya sa pangalawang pagbisita ni Vhong sa condo unit niya noong January 22, 2014.
Noong January 22 rin binugbog si Vhong ng grupo ni Cedric dahil ipinagtanggol daw nila si Deniece sa panggagahasa ng aktor.
Sa pagdinig noong Biyernes, nagsumite sina Cedric, Berniece, at ang isa pang akusado na si Simeon “Zimmer” Palma Raz, Jr. ng kani-kanilang counter-affidavits.
Lahat ng kanilang sinumpaang salaysay ay sumusuporta sa akusasyon ni Deniece na ginahasa siya ni Vhong noong January 17 at 22.
Bago pa nito, naghain ng omnibus motion ang kampo ni Cedric upang hindi muna sila magsumite ng kani-kanilang counter-affidavits, ngunit ibinasura ito ng DOJ prosecution panel.


DENIECE CORNEJO'S STORY. Kahapon, February 24, naiulat sa ABS-CBN News online ang bahagi ng counter-affidavit ni Deniece na isinumite sa DOJ.
Ayon kay Deniece, una siyang pinagsamantalahan ni Vhong noong January 17.
Agresibo raw noong gabing yun ang actor/TV host.
Kuwento nito sa kanyang sinumpaang salaysay, "He lunged at me and managed to raise my shirt exposing my breasts, and he started touching my private parts."

Full Story >> Pep.ph

No comments:

Post a Comment