LAWYER: VHONG RAPED ROXANNE BETWEEN APRIL 24-27, 2010


Ayon sa abugado ni Roxanne Cabañero (left) na si Atty. Virgillo Batalla (right), hindi sila ang nagsabing noong April 24, 2010 ginahasa ni Vhong Navarro ang kanyang kliyente. Nakalimutan din daw ni Roxanne ang pangalan ng hotel kung saan ito naka-check-in noon dahil “probinsiyana” raw ito.

Nilinaw ng kampo ni Roxanne Cabañero na hindi noong April 24, 2010 naganap ang panggagahasa diumano ng aktor na si Vhong Navarro sa aspiring beauty queen.
Ang naturang petsa raw ang araw na nagkakilala sina Roxanne at Vhong sa programang It's Showtime ng ABS-CBN.
Ito rin ang araw na bumisita ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines, kabilang si Roxanne, sa noontime show kunsaan isa sa mga host si Vhong.
Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV noong February 25, pinanindigan ng abugado ni Roxanne na si Atty. Virgillo Batalla na wala silang sinabing noong April 24, 2010 nangyari ang panghahalay ng komedyante sa kanyang kliyente.
Sa ibang araw raw nangyari ang panggagahasa diumano ni Vhong kay Roxanne.
Saad ni Atty. Batalla, “Sila ang nagsasabi ng date of rape.
"Doon sa ebidensiya, matibay na wala sila doon. Kinukundisyon nila ang tao na nangyari ang rape ng April 24.
"Pero kaming nag-aakusa, hindi namin sinasabing 24."
Ito ay taliwas sa sworn affidavit diumano ni Roxanne na kumalat sa Internet sa inihain niyang reklamong rape laban kay Vhong noong February 19, 2014 sa Pasig Prosecutor's Office.
Sa naturang affidavit, sinabi ni Roxanne na nang mag-guest sila sa It’s Showtime noong April 24, 2010, may isang babaeng staff daw ang lumapit sa kanya upang makuha ang number nito, base sa utos daw ni Vhong.
Kinahapunan, may nag-text diumano sa cell phone ni Roxanne na nagpakilalang "Vhong Navarro."
Sa pag-uusap nila sa text, sinabihan diumano siya ng actor-TV host na magkita sila sa Astoria Plaza, sa Ortigas, kung saan daw naka-check-in ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines.
Pero tumanggi raw si Roxanne na sa Astoria sila magkita dahil nahiya raw ito sa kanyang roommates. Hindi rin daw kasi magandang tingnan na doon sila magkita sa unang pagkakataon.
Sinabi raw ni Vhong kay Roxanne na susunduin na lang siya nito, at pumayag na ring makipagkita ang huli sa aktor.

View full Story >> pep.ph

No comments:

Post a Comment