SARAH LAHBATI AND ATTY. ANNETTE GOZON-ABROGAR END THEIR RIFT AFTER MEDIATION


Pagkatapos ng halos isang taon ay winakasan na nina Sarah Lahbati (kaliwa) at Atty. Annette Gozon-Abrogar (kanan) ang kanilang hidwaan pagkatapos nilang mag-usap sa mediation na ginanap noong February 17. Sabay na humarap ang dalawa sa media kahapon, February 28, upang ipaalam ang kanilang pagkakasundo.

Tinuldukan na ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar atSarStruck alumna na si Sarah Lahbati ang kanilang hidwaan.
Matatandaang nagpalitan ng mga akusasyon ang magkabilang kampo na nauwi sa paghahain ng mga reklamo nila laban sa isa't isa.
Unang naghain ng reklamong libel si Annette laban kay Sarah noong January 2013 sa Makati Prosecutor's Office.
Noon namang July 2013 ay naghain si Sarah ng apat na reklamo laban sa network executive: libel, perjury, grave coercion, at unjust vexation.
Pare-pareho nang ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ang mga reklamong ito ni Sarah laban kay Annette.
Nag-ugat ang legal battle ng dalawa pagkatapos akusahan ni Sarah si Annette na sangkot diumano sa "under the table" deals sa pagitan ng talent management groups na GMA Artist Center at Icons.
THE MEDIATION. Humarap sina Annette at Sarah sa media kahapon ng tanghali, February 28, sa pamamagitan ng isang mini-press conference na ginanap sa Jade Valley Cantonese Cuisine, sa Quezon City.
Naunang dumating ang abugado ni Sarah na si Atty. Maggie Abraham, na siyang nag-ayos ng naturang presscon.
Sumunod na dumating ang ina ni Sarah na si Ester Lahbati, kasama ang pinsan ng young actress.
Magkasunod namang dumating sina Annette at Sarah.

View Full Story>>>> pep.ph

No comments:

Post a Comment