DENNIS TRILLO, HANDA NA RIN KAYANG LUMAGAY SA TAHIMIK?

Dennis Trillo, handa na rin kayang lumagay sa tahimik?

August 29, 2014 5:50pm


Dahil sunod-sunod ang engagements at weddings ng mga celebrity ngayon, itinanong na rin sa 33-year-old Kapuso leading man na si Dennis Trillo kung susunod na rin kaya siyang magpapakasal o kung may nakikita na siyang babae na aalukin niya ng kasal?

Makaraan ang engagement ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nasundan agad ito ng wedding proposal ni Senador Francis Escudero kay Heart Evangelista.


Nitong Huwebes, naibalita naman na nagpakasal na ang Hollywood Power Couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Pero si Dennis, wala pa raw plano na lumagay sa tahimik.

Sa ulat ni Rachelle Siazon sa Philippine Entertainment Portal nitong Biyernes, sinabi ni Dennis na bukod sa hindi pa niya nahahanap ang tamang babae, marami pa rin daw siyang gustong gawin bilang isang binata.

“Siguro ano pa, mas marami pang trabaho. Kailangan ko pa i-establish nang husto yung sarili ko," anang aktor. “Yung mga gusto ko pa gawin, gusto ko mag-aral ulit.

Pagdating ng panahon na lalagay na siya sa tahimik, tiwala si Dennis na magiging mabuti siyang asawa.

“Siguro ngayon. Dati, nung bata-bata pa ako, hindi [ako husband material]," pag-amin ni Dennis.

“Pero ngayong marami na akong natutunan sa buhay, sa mga nakarelasyon, sa trabaho, palagay ko, oo,” dagdag niya.

Tungkol sa tipo niyang babae, sinabi ni Dennis na hanap  niya ay yung may sense of humor, health-conscious, mahilig mag-exercise, malawak ang pang-unawa, at mature mag-isip.

May dalawang taon nang single si Dennis matapos ang breakup nila ni Bianca King. Ngayon, muling nauugnay si Dennis sa kaniyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. -- FRJ, GMA News

SOURCE: http://www.gmanetwork.com/news/story/376969/showbiz/dennis-trillo-handa-na-rin-kayang-lumagay-sa-tahimik

No comments:

Post a Comment