ACTOR MARK GIL DIES AT 52



Pumanaw na ang veteran actor na si Mark Gil. Si Mark ay binawian ng buhay ngayong umaga, September 1, 2014 dahil sa sakit na liver cirrhosis. Siya ay 52 years old. Isang statement ang natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa kampo ng aktor kung saan kinumpirma nila ang pagpanaw nito: "Yes, we would like to confirm the death of one of our beloved Mark Gil who just joined our creator this morning at 8 a.m. "As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him. "They will issue an official statement within the day. "Thank you and we need all your prayers for the repose soul of Mark and strength for his bereaved family." RAPHAEL JOSEPH EIGENMANN. Ipagdiriwang sana ni Mark—na ang tunay na pangalan ay Raphael Joseph Eigenmann—ang kanyang 53rd birthday sa September 25. Si Mark ay pangalawa sa tatlong anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; ang dalawa pa ay ang mga artista ring sina Michael de Mesa at Cherie Gil. Halos lahat ng mga anak ni Mark ay nag-aartista rin—sina Gabby at Ira Eigenmann mula sa actress-commercial model na si Irene Celebre; sina Sid Lucero at Max Eigenmann mula sa aktres na si Bing Pimentel; at si Andi Eigenmann mula sa award-winning actress na si Jaclyn Jose. Si Mark ay kasal kay Maricar Jacinto mula pa noong 2006. Ang huling proyektong nagawa ni Mark ay ang ABS-CBN primetime series na The Legal Wife ngayong 2014. Noong 2013 ay napanood siya sa mga teleserye ng GMA Network na Indio at My Husband's Lover. Ang mga pinakahuli niyang pelikula ay ang Seduction at Philippino Story noong 2013 at Ang Bagong Dugo noong 2014. Nakagawa ng mahigit 100 pelikula at mahigit 30 teleserye si Mark sa loob ng mahigit apat na dekada sa larangan ng pag-arte. Si Mark ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa, kung saan nagsimula siya sa pagganap ng leading-man roles hanggang sa gumanap siya sa mga kontrabida roles.

Read more at: http://pep.ph/news/44682/mark-gil-dies-at-52
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook




SOURCE: http://pep.ph/news/44682/mark-gil-dies-at-52

No comments:

Post a Comment