Muling nasilayan ng publiko si Geoff Eigenmann nang rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash kagabi. Ito raw ay indikasyong naka-move on na ang aktor mula sa break-up nila ni Carla Abellana.
Pupusan daw ang naging work-out ni Geoff Eigenmann. Ang resulta nitong mas matipunong pangangatawan ay natunghayan ng Cosmo crowd kagabi.
“I did a shoot before pero never ako naka-attend ng bash so this is a first time. So yeah, it’s a different kind of experience. Glad I was able to do it. And masaya ako na maganda ‘yung reaction ng tao,” ani Geoff.
Naka-move on na rin daw siya mula sa paghihiwalay nila ni Carla.
“Matagal na. I wouldn’t have done tonight if I wasn’t sure of myself to show up.. Matagal na,” idiniin niya.
“For me it’s all in the past. There’s no point in digging it up. Hindi ako nagsalita dati, I won’t talk now,” pagtatapos ni Geoff.
Kasama rin ni Geoff sa sampung Cosmo centerfold sina Kapuso hunks Pancho Magno at Benjamin Alves.
Kwento ni Pancho, “Sobrang saya. Sobrang (ingay) ng crowd and happy din ako na makasama ko ‘yung iba’t ibang Kapuso stars. At least mas 'di ako kakabahan sa pag-rampa ko.”
Dagdag din ni Benjamin, “When the crowd gives you that kind of energy, you don’t want to let them down.”
Ilan pa sa mga Kapuso artists na nagpatili kagabi ay sina Protégé alumni Jeric Gonzales at Brian Benedict, Walang Tulugan cutie Jak Roberto, Vince Velasco, JC Tiuseco, at Rafael Rossell. -
SOURCE: GMA
No comments:
Post a Comment