Higit kalahating araw matapos ang The Naked Truth denim and underwear fashion show ng isang clothing brand, trending pa rin ang pangalan ni Tom Rodriguez sa Twitter.
Mainit na pinag-usapan ang pag-rampa ni Tom sa Mall of Asia Arena kagabi. Gaya ng iba sa mga models, lumabas nang naka-underwear lamang si Tom. Ngunit may sorpresa pala si Tom sa lahat ng manonood -- ibinaba pa niya nang kaunti ang suot niyang underwear. Ito at ang "washboard abs" ng Kapuso actor ang tinilian ng audience.
GMA
No comments:
Post a Comment