Noong Huwebes ng hapon, September 19, ay nakapagpiyansa at nakalabas na si Deniece Cornejo mula sa kasong serious illegal detention na sinampa ng TV host/actor na si Vhong Navarro sa kanya at sa mga kaibigang sina Cedric Lee at Zimmer Raz. Unang nakapagpiyansa at nakalaya sina Cedric at Zimmer Raz noong Martes. Apat na buwan ding namalagi ang tatlo sa kulungan bago sila nakapagpiyansa at nakalaya. Noong Martes naman ay nag-file ng motion for reconsideration at motion to inhibit si Vhong laban kay Judge Paz Esperanza-Cortes dahil sa naging desisyon nito na makapagpiyansa ang tatlo. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Deniece, kahapon sa pamamagitan ng cellphone, ay maanghang ang naging pahayag ng abugado laban kay Atty. Alma Malongga, abugado naman ni Vhong, dahil sa pahayag nito na wala silang tiwala kay Judge Paz Esperanza-Cortes at gusto nilang ipalipat ang kaso sa ibang hukom. “Alam ninyo style 'yan ni Atty. Malongga, e," panimula ni Atty. Topacio. “Mayroon kaming isang kaso involving Claudine Barretto na hindi niya nagugustuhan ang ruling ng judge, nag-file din siya ng motion for inhibition. “Si Atty. Malongga, pangit ang style niya kasi kami naman, may mga rulings din ang korte na hindi kami sang-ayon tulad ng nililipat ang detention, nung nag-fine ng probable cause, all those are against us pero wala kayong naririnig sa amin na sinabi namin na wala kaming faith dun sa judge. "'Di puwedeng porke’t 'di sang-ayon sa iyo ang huwes e, mawawalan ka na ng faith. Not an attitude of a good lawyer,” pahayag ni Atty. Topacio. Hiningan din namin ng reaksyon si Atty. Topacio na kahit ang DOJ ay 'di pabor sa naging resolusyon ni Judge Paz Esperanza-Cortes at balak din nitong mag-file ng motion for reconsideration at motion to inhibit. “Si Atty. Malongga is under control or supervision of the DOJ, being a private prosecutor. 'Di naman siya puwedeng gumalaw ng ayaw ng DOJ,” paliwanag pa niya. OBLIGATIONS AFTER RELEASE. Agad naming tinanong si Atty. Topacio kung anu-ano ba ang obligasyon ni Deniece pagkatapos ng pagkakapiyansa nito. Siniguro naman ng abugado na haharapin ng kliyente ang kasong sinampa dito ng TV host/actor. Detalye niyang saad, “She cannot leave the country without the permission of the court. “She has to be present whenever the court orders her to be present during hearings, basta ni-require ng court na magpakita siya, kailangang magpakita siya. “May mga restrictions 'yan and I assure you my client will always be there to face the charges against her. We know that she’s innocent and we believe in the power of justice.”
SOURCE: PEP
No comments:
Post a Comment