Inamin ng ‘90s matinee idol na si Onemig Bondoc sa kanyang interview sa programang Powerhouse ng GMA News TV last August 27 na nalulong siya sa bawal na droga. Nangyari raw ito bago siya nagretiro sa showbiz noong 2006. Nakilala si Onemig noong 1995 bilang si JM sa hit teen-oriented series ng GMA Network na TGIS (Thank God It’s Sabado), kunsaan kasabay niyang sumikat sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Raven Villanueva, Michael Flores, at Red Sternberg. “I FELT SO EMPTY.” Inamin ng 37-year-old former matinee idol na kahit alam niyang mali ay ginawa pa rin niyang gumamit ng ipinagbabawal na droga. “Noong mga time na iyon kasi, dumating ang loneliness. I didn’t know what really made me happy. “Hindi ko na kasi kilala ang sarili ko. “Kailangan paglabas mo, lagi kang naka-smile. I had to act na lagi akong wholesome. “Parang hindi ko na kilala ang sarili ko talaga. “Wala naman akong masasabing problema. May trabaho ako. I had money. Pero I felt so empty,” diin pa ni Onemig. Tatlong buwan daw nalulong si Onemig sa masamang bisyo, na nagawa niyang maitago sa mga taong malapit sa kanya at sa mga katrabaho niya. Pero dumating daw sa puntong apektado na ang kanyang mga trabaho dahil sa araw-araw niyang paggamit ng droga. “Hindi lang nila nahahalata sa akin noon. Kasi doon na ako naging masaya. “Nagkaroon ako ng sariling mundo na hindi alam ng maraming taong nasa paligid ko,” sabi niya.
SOURCE: PEP
No comments:
Post a Comment