BILLY CRAWFORD CLARIFIES HE DID NOT HURT ANYONE



Humingi ng paumanhin ang singer-TV host na si Billy Crawford kaugnay ng insidenteng nangyari sa Police Community Precinct 7, sa Fort Bonifacio, Global City, Taguig City, kaninang madaling-araw, September 7.
Ayon sa panayam sa mga pulis at detalyeng nakasulat sa blotter—na iniulat ni Katrina Son ng Balitanghali, noontime newscast ng GMA News TV—dumating daw si Billy sa police station na sumisigaw at gustong magpakulong.
Nang sabihin ng mga pulis na wala siyang kasalanan para ikulong, nagtanong umano si Billy kung saan may detention cell.
Sinagot daw siya ng mga pulis na sa Taguig Police Headquarters.
Sinabi raw ni Billy na dalhin siya sa headquarters. Ngunit nang hindi agad kumilos ang pulisya, sinipa raw ni Billy ang glass door ng presinto na makikitang basag sa video report ng GMA News.
Sa naunang ulat ng GMA News TV, nabanggit din na sinuntok daw ni Billy ang desk officer ng police station.
Dahil sa pangyayari, inaresto ng pulisya si Billy at ikinulong sa Taguig Police Headquarters.
Ayon kay PCP 7 Police Inspector Jonathan Aribe, haharap sa kasong malicious mischief, resisting arrest, at disobedience ang Kapamilya host-actor.
Kaninang tanghali, dinala si Billy sa Camp Crame para sa drug and liquor test. Pagkatapos nito ay ibabalik siya sa presinto sa Taguig.
Sa isang radio interview, ilang oras pagkatapos ng insidente, ay inamin ni Billy ang kanyang pagkakamali. Ngunit itinanggi niyang sinuntok niya ang isang babaeng police officer.
Saad niya, "It was my fault pero wala akong nasaktan, wala akong itinulak, wala akong tinamaan kundi yung salamin."
Humingi rin ng paumanhin ang It's Showtime host sa police officers at sa kanyang fans.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang girlfriend niya at It’s Showtime co-host na si Coleen Garcia, sa pamamagitan ng Twitter, tungkol sa kinasangkutang gulo ng singer.
Sa kanyang official Twitter account  (@coleengarcia), nilinaw ni Coleen na kaibigan niya ang babaeng kasama ni Billy, na kasama nitong pumunta sa presinto.



SOURCE: PEP

No comments:

Post a Comment