DENNIS TRILLO HAILED BY GMA AS DRAMA KING
Sa grand launch ng bagong primetime series ng GMA na Hiram Na Alaala kagabi, September 11, ipinakilala ang isa sa mga bida ritong si Dennis Trillo bilang “Drama King.” Pero halatang naiilang ang Kapuso actor sa bagong titulong ibinigay sa kanya ng home network. Pahayag niya matapos ang cast presentation, “Hindi ako ready sa mga ganyang title, e, dahil hindi naman ako after sa mga title-title na ‘yan simula pa noon. “Pero gusto ng network, yun na lang, okay lang. "Medyo awkward, pero medyo naaano ako 'pag sinasabi, kasi hindi talaga ako naghahangad ng mga ganoong title.” Ito ang pahayag ng 33-year-old actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kagabi, September 11, sa grand presscon ng Hiram Na Alaala, na ginanap sa Studio 6 ng GMA Network. DENNIS, THE SERIOUS ACTOR. Halos isang taon na matapos ang phenomenal success ng My Husband’s Lover, kung saan lalong kuminang ang bituin ni Dennis bilang isang aktor. Kasalukuyan namang umeere ang medical-drama show niya sa GMA na Sa Puso Ni Dok. Dahil sa matagal-tagal ding pagitan ng kanyang mga proyekto, namimili na ba talaga siya ng roles na tinatanggap? Paliwanag ng award-winning actor, “Hindi naman namimili. “Siguro yung GMA yung namimili para sa akin dahil alam nila na gusto ko, iba. "Kasi marami na rin akong nagawang… yung plain lang na role na husband na mabait, boring. "Para sa akin, nabu-bore na ako sa ganun." Mula sa gay role niya sa My Husband's Lover, gagampanan naman ni Dennis ang isang matikas na sundalong si Ivan sa Hiram Na Alaala.
SOURCE: PEP
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment