Bumalik na ng Pilipinas ang Korean model-actress at radio DJ na si Jinri Park. Nakilala si Jinri dahil sa pagiging DJ niya sa RX 93.1 at sa mga sexy pictorials niya sa iba’t ibang men’s magazines.
Naging mainstay din siya sa GMA-7 sitcom ni Vic Sotto na Vampire Ang Daddy Ko.
Umalis si Jinri noong October 2013 para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa South Korea.
Nangako siyang babalik ng Pilipinas kapag natapos na nito ang kanyang kurso na Masters in Acting.
Noong August 31 ay dumating si Jinri at agad nga siyang nag-taping bilang special guest ng Vampire Ang Daddy Ko.
Nag-post si Jinri ng photos sa kanyang Instagram at Twitter accounts ng reunion niya with the cast of Vampire Ang Daddy Ko na sina Vic Sotto, Derrick Monasterio, Sef Cadayona at Ryzza Mae Dizon.
Issue with men's magazine
Sa pagbalik ni Jinri sa Pilipinas ay kaagad siyang nagkaroon ng kontrobersya dahil sa naging issue niya sa men’s magazine na UNO.
Sa mga tweets nga ni Jinri, galit ito sa UNO magazine dahil sa paggamit ng kanyang photos na walang permiso mula sa kanya o sa kanyang manager na si Bea Velasquez.
Sa tweet ni Jinri noong September 1: “Please note the I do not support my UNO magazine cover that’s out this month. I didn’t know about this at all! This is absurd. Please RT."
Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet: “They never told me or my manager about using my pictures on their cover this month. This is NOT RIGHT. Jinjas pls spread the world. IM FURIOUS”
Kumilos agad ang manager ni Jinri at nagpadala ito ng mensahe sa pamunuan ng UNO magazine sa pamamagitan ng Facebook.
Heto ang nilalaman ng mensahe: “Hi UNO management. We were not informed regarding this magazine cover! This is not right. Been calling up the publisher and managing editor…Been calling and texting you guys but no answer and reply…what now? You guys need to explain!” — Pep.ph
SOURCE: GMA
No comments:
Post a Comment