“It’s so hard for us.”
Ito ang pag-amin ni Heart Evangelista hinggil sa magiging pamamanhikan - kung sakali - ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang pamilya na noong una ay tumutol sa kanilang relasyon.
Pag-amin ni Heart sa Startalk, “‘Yun ang tricky question. Actually kasi with my parents, with what happened it’s so hard for us, for them especially, to be apart.”
Balak ng dalawa na magpakasal sa Feb. 15 sa Balesin Island sa Quezon Province.
“So para sa akin, first step namin is they gave us the blessing na magpakasal kami. What’s important is binigay nila ‘yung blessing. For now, that’s good enough for me,” dugtong niya.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Sen. Chiz, “Ang importante ibinigay nila ‘yung basbas nila. Ang importante okay sila ni Heart. Ang importante nasa tamang direksyon ‘yung pinupuntahan nung bagay na ‘yun.”
Pagkaraan ng kanilang engagement ay nakipagkita rin si Heart sa kanyang kapatid at ina. Ayon sa kanya, ay malaki na raw ang ipinagbago ng pananaw ni Mrs. Cecile Ongpauco tungkol sa kanyang mapapangasawa.
“Nag-mellow rin siya, pati ako. So we all learned our lesson, I guess. Na-appreciate ko rin ang syempre nanay siya, syempre kung ano man ‘yun sa pag-iisip natin, your parents are still your parents. It was very light so malaki na ang changes. So natutuwa ako sa outcome. You know, a day at a time,” kwento ng aktres at host.
Ang mensahe ni Heart sa kanyang ina: “It’s nice seeing you again. Be confident that you’ve instilled good things in me. You gave me a good heart and I’ll always be grateful for all your sacrifices and everything you’ve done for me.”
“I know your fears, I know the things that you’re afraid for me. But be confident because you’ve raised me well. By living a good life, I’m sure one day you will be happy for me. I know you already are, but you’ll be more confident that I made the right choices,” dugtong niya.
At para naman sa kanyang ama na si Mr. Reynaldo Ongpauco: “Mahirap na pakiramdam mong pinapamigay ka, na wala sila doon but ‘yung effort niya na mag-text, sabihin niya sa akin na masaya siya para sa akin, it was good enough for me.”
“Maybe not everybody will understand kung dumating ‘yung araw na ikakasal ako at wala sila doon. Ako lang ang makakaintindi noon. Kung masyado siyang masasaktan seeing me go, I understand ‘coz what he did for me was already good enough. And if he’s not there to walk me down the aisle, I will walk down the aisle on my own. Because nobody can replace you and I love you very much. Thank you so much,” pagtatapos niya.
- See more at: http://www.gmanetwork.com/entertainment/shows/startalktx/articles/2014-09-02/11587/Makakapamanhikan-ba-si-Sen.-Chiz-sa-parents-ni-Heart#sthash.PO2iLvBQ.dpuf
SOURCE: http://www.gmanetwork.com/entertainment/shows/startalktx/articles/2014-09-02/11587/Makakapamanhikan-ba-si-Sen.-Chiz-sa-parents-ni-Heart
No comments:
Post a Comment