NO WEDDING ANNOUNCEMENT WITH ANGEL LOCSIN: IT CAN BE THIS YEAR, IT CAN BE NEXT YEAR




Kinumpirma ni Luis Manzano na nabanggit na niya sa amang si Edu Manzano ang tungkol sa balak nila ng kasintahang si Angel Locsin na magpakasal.
Ngunit paglilinaw ng Kapamilya TV host-actor, wala pang detalye ang balak nilang ito.
Sabi ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala... wala pang napag-uusapan.
"Alam naman nila na we're at the right age... pero yung details kung kailan, saan, wala pa.
"Dahil kahit ako, 'di ko pa alam. 
"Oo, I was talking about the future na malapit na akong mag-settle down.
"Pero yung, 'Daddy, this is what I’m going to do, we’re going to pass this application this month,' wala pang ganun.
“Ang gusto ko sana, kung mayroon unang makakaalam, it will be my fiancée, Angel.
"Ayokong ipi-preempt mo, 'Malapit na, malapit na...' Kung mangyayari, mangyayari.
"Ang gusto ko, siya ang unang makaalam.
"Siyempre, kailangan kong magpaalam sa parents namin kung saka-sakali.
"Pero 'pag sinasabi mong announcement, gusto ko siya ang unang makaalam."
CONGRATULATIONS. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Luis sa sunud-sunod na showbiz engagements; gaya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Wala ba silang balak ni Angel na sumunod sa mga ito?



SOURCE: PEP

No comments:

Post a Comment