Madalas mang best man at hindi kailanman nagiging groom, hindi nawawalan ng pag-asa si Pangulong Benigno Aquino III na mahahanap niya rin ang kanyang bride.
Kilala bilang kauna-unahang binatang pangulo ng Pilipinas, nagpapasalamat si Aquino na napili siyang best man imbes na ninong sa nalalapit na kasal nina Senador Francis Escudero at aktres na si Heart Evangelista.
"Hope springs eternal. We have a belief that single people who become godparents will remain single for the rest of their lives," pahayag ni Aquino sa mga reporter sa Davao.
Dagdag pa niya, "To avoid that possibility, in case that exists, I said that I was even willing to become secondary sponsor."
Pabiro pang sinabi ni Aquino na handa siyang maging ringbearer sa kasalang Escudero-Evangelista upang maiwasan lamang ang pagiging ninong.
Nang tanungin ukol sa planong magpakasal, ani Aquino, "Soon. It’s sooner tomorrow than yesterday."
Sinusubukan ng pangulo na panatilihing pribado ang kanyang social life. Isang abogado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nababalitang love interest niya ngayon.
Nai-link na dati ang pangulo sa dating Valenzuela councilor na si Shalani Soledad, pati sa stylist na si Liz Uy, at TV host na si Grace Lee. —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News
SOURCE: GMA
No comments:
Post a Comment