Kahit ibinuking na ni Anne Curtis na mayroon nang "special someone" ang ex-boyfriend at co-star niya sa pelikulang The Gifted na si Sam Milby, ayaw pa ring i-reveal ng aktres kung sino ito at ano ang pangalan ng babae.
Natatawang sabi ng Kapamilya actress, "Hindi ko talaga alam! Hindi ko alam, it's not my story to tell."
Si Shaina Magdayao ba ito na nali-link ngayon kay Sam?
Giit ni Anne, "Hindi ko talaga… basta, whatever makes him happy, full support naman ako.
"He's also been very supportive of me."
Paano kung si Shaina nga yung babae?
Sabi ng ex-girlfriend ni Sam, "Well, if it happens, ganun talaga ang buhay, 'di ba?"
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa final presscon ng The Gifted last week.
IN THREE YEARS. Sa puntong ito, napag-usapan naman ang tungkol sa kasalan.
Ito ay dahil na rin sa magkasunod na engagement nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
May mga humuhulang si Anne at ang boyfriend nitong si Erwan Heussaff na raw ang susunod.
Pero tili ng It's Showtime host, "Oh, no, 'wag muna!
"Pero 'wag too old naman.
"Sabi ko nga, mga three or fours years pa ako, para ma-maximize ko.
"Siguro ready na ang partner ko by that time."
Dugtong pa niya, tungkol sa dalawang magkasunod na engagements sa showbiz, "Ano ba 'yan, ang dami kong ka-batch?
;
SOURCE: http://pep.ph/news/44686/anne-curtis-on-speculation-she39s-next-to-be-engaged-oh-no-39wag-muna
No comments:
Post a Comment