JAKE VARGAS BATTERED BOYFRIEND?
Sinagot ng Kapuso teen star na si Bea Binene ang mga intriga na sinasaktan umano niya ang nobyong si Jake Vargas kapag nag-aaway sila.
Sa artikulong isinulat ni Rommel Gonzales sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), mariing pinabulaanan ni Bea ang intrigang madalas niyang sinasaktan ang nobyo kapag nag-aaway sila.
“Naku, hindi po,” mabilis na pagtanggi ng batang aktres.
Wala rin daw katotohanan na binabatukan niya si Jake kapag nagagalit siya sa binata.
“Kapag… actually, itanong niyo sa mga kaibigan kong lalaki, sobrang one of the boys ako.
“As in sinusuntok ko sila sa tiyan, ganun.
“Kasi parang, ako... ewan ko, parang it’s a friendly way,” paliwanag ni Bea sabay giit na hindi battered boyfriend si Jake.
Ano ang madalas na napupuna niya sa ugali ni Jake na ayaw niya?
“Ang sa akin lang, well, sana hindi siya ma-take as a negative ano… pero masyado kasi siyang mabait.
“Alam mo yung parang kahit yung mga tao, tini-take for granted na siya, hindi niya pa alam, kasi masyado siyang mabait. Ganun.
“So, hindi naman sa hindi ko gusto, pero I’m asking him to… na kahit papaano, na know his limits also.
“Na sana alam niya rin yung mga dapat na ibinibigay niya sa ibang tao.”
Natuto ba naman si Jake sa pagsasabi niya dito?
“E, kahit naman po paano, may pagbabago.”
Ano naman ang pinakanagustuhan niya kay Jake?
Ayon kay Bea, “Si Jake po, ano siya, e, isa siyang… gentleman siya.
“Gentleman, mabait, at siya yung tipo ng tao na ipaparamdam niya sa iyo na lagi siyang nandiyan para sa iyo.”
Ayon sa isang interview kay Jake, sinabi nitong mas mature na ang relasyon nila.
Kaya tinanong namin si Bea kung ano ang mga pagbabago ngayon sa kanilang relasyon.
Sagot niya, “Siguro ano, ngayon alam na namin kung ano yung dapat naming pag-awayan.
“Hindi lahat, away, away, away.
“Siguro alam na namin yung kung ano yung mga dahilan ng mga dapat naming pag-awayan.” --Rommel Gonzales. PEP
SOURCE: GMA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment