SEF CADAYONA SINESERYOSO ANG COMEDY
Multi-talented ang StarStruck alumnus na si Sef Cadayona. Mahusay siyang dancer at magaling ding umarte. After StarStruck ay nakasama si Sef sa iba’t ibang teleserye ng GMA gaya ng Diva at Time of My Life, at naging mainstain din siya ng Party Pilipinas at Sunday All Stars. Ngunit ang maituturing niyang forte ay ang pagiging isang komedyante. Dahil sa kanyang natural na pagpapatawa, sa comedy na siya nalinya at gumawa ng pangalan sa mundo ng showbiz. One year nang kasama sa cast ng Vampire Ang Daddy Ko at sa longest-running comedy gag show na Bubble Gang si Sef. “This is one of the best experiences – to be a young comedian,” buong tuwa at pagmamalaking banggit ni Sef. Bukod sa nahahasa ang kanyang comedy skills ay isang karangalan daw na maka-trabaho ang batikang mga komedyante na sina Vic Sotto at Michael V. “Gusto ko panoorin sila parati. The best lesson is actually the experience here. Kailangan mo talagang manood. Kasi bago mo ma-incorporate ‘yung timing na ginagawa nila, kailangan alam mo sa sarili mo na nasa tamang panahon ka sa pagbigkas ng mga salita,” paliwanag ni Sef. Kaya naman para kay Sef, malayo pa ang kailangan niyang lakbayin bago niya masabing isa na siyang mahusay na komedyante. “Etong trabaho kasi ng pagiging comedian, it will take certain amount of years to be able to fully grow. Ang joke kasi, nababagay sa age. Kailangan mag-ripe ka sa certain age bago mo ma-tackle lahat ng subjects. Kagaya ni Bossing.” Bukod sa tamang pagbitaw ng punchlines ay may isa pang bagay na hinahangan si Sef kay Bossing – ang pagkakaroon ng sarili niyang production house, kagaya ng isa pa niyang idolo na si Adam Sandler. “Idol ko si Adam Sandler, he has his own movie production, ‘yung Happy Madison. Sabi ko, 10 years or 6 years’ time, sana makagawa ako ng movie. Looking into the future to build an empire. Sarili kong empire as a comedian, as an entertainer, as a performer.” Sa mundo ng showbiz na raw balak tumanda si Sef. “Wala nang iba,” aniya. -
SOOURCE: GMA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment