Patay ang isa sa apat na lalaking nangholdap sa dalawang gasolinahan sa Toledo City, Cebu, nang manlaban ang mag-ari ng isa sa mga gasolinahan na kanilang pinuntirya.
Sa ulat ni Randy Gullon ng GMA-Cebu sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, ipinakita ang kuha sa closed-circuit-television camera sa isang gas station na unang pinasok ng isang armadong lalaki.
Matapos tutukan ng baril ang kahera, tinangay nito ang pera sa kaha na aabot sa P7,000.00. Habang nililimas ng suspek ang pera, nagsilbing lookout naman ang tatlong niyang kasamahan.
pagkatapos nito, sunod na tinarget ng mga suspek ang isang kalapit na gasolinahan.
Isang gasoline boy ang nakatakbo at nakapagsumbong sa kaniyang amo na nakatira malapit sa gasolinahan.
Armado rin ng kaniyang baril, nakipagbarilan ang may-ari sa mga holdaper at napatay niya ang isa sa mga suspek.
Nakilala ang nasawi na napag-alaman na dating security guard sa isang gasoline station sa lungsod ng Talisay.
Nakatakas naman ang tatlo pang suspek na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.-- FRJ, GMA News
SOURCE: http://www.gmanetwork.com/news/story/377482/ulatfilipino/cebu/may-ari-ng-gas-station-sa-cebu-kumasa-sa-mga-holdaper-1-sa-4-na-suspek-patay

No comments:
Post a Comment