45TH WEDDING ANNIVERSARY NINA SEN. TITO SOTTO AT HELEN GAMBOA STAR STUDDED



Simple, intimate at todo-kilig ang 45th wedding anniversary nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa. Ano kaya ang sikreto ng kanilang masayang samahan? Sinurpresa ni Tito Sen ng bouquet of 45 red roses ang kanyang magandang misis, na sinuklian naman nito ng matamis na halik. Star-studded ang kanilang dinner celebration. Nakisaya sina Susan Roces kasama ang anak na si Senator Grace Poe. Nandoon din sina former Senator Jaworski at Senator Gringo Honasan, Mother Lily Monteverde at TAPE Inc. head Tony Tuviera. Siyempre, hindi mawawala ang mga Dabarkads kasama si Vic Sotto at Joey de Leon. “Gusto kong isipin na parang na countdown pa lang ito papunta sa 50th. Ganoon ang gusto naming isipin kaya every year is important,” ani Tito Sen. Sabi naman ni Miss Helen,“Sabi nga nila, no marriage is made in heaven, pero magyayabang ako,sasabihin ko talaga na I have a marriage made in heaven.” Ang sikreto daw nila sa matagumpay na relasyon ay ang paglalagay ng sentro ng kanilang relasyon sa Panginoon. Lagi rin nilang pinag-uusapan ang kanilang mga problema, at dahil nagkakasundo sila, hindi naging problema kahit pa raw pinasok ni Tito Sen ang parehong magulong mundo ng showbiz at pulitika. Hanggang ngayon, sweet na sweet pa rin sila matapos ang 45 taon na pagsasamahan. “Siya kasi ang sandalan ko, eh. She’s my foundation, so kahit ano pa ang pagsubok na pagdaanan namin, I know that I can rely on her to keep me on my feet,” ani Tito Sen. “As long as I live, wala naman talaga akong minahal na lalaki sa buhay ko kundi siya lang,” dagdag ni Miss Helen.




SOURCE: GMA

No comments:

Post a Comment