GLAIZA DE CASTRO, DINEDMA SI GABBY EIGENMANN NANG BIGYAN SIYA NG BULAKLAK



Binisita namin ang taping ng Dading at naabutan namin ang Afternoon Prime stars na sina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Chynna Ortaleza at Benjamin Alves sa isang stand by area.

Habang naghihintay ng kanilang next scene, ikinuwento sa amin ni Glaiza ang isang pagkakamali na kanyang pinagsisisihan. Ito ay ang pagdedma niya kay Gabby nang bigyan siya ng bulaklak kamakailan lang.

“Mayroon akong [regret na] sana ginawa ko. Sana nag-thank you na lang ako. Si Gabby, nagbigay siya ng flowers sa 'kin. Hindi nga ako sanay sa ganoong gestures kasi nga hindi ako sanay sa co-actors ko na mayroon ganoong relationship,” ani Glaiza.

Na-shock daw si Glaiza nang bigyan siya ng bulaklak ng Dading lead star kaya't hindi na siya nakapag-react. Aniya, “Until umuwi ako, [na-realize ko na] sana naging grateful na lang ako. Kasi noong binigay niya 'yung flowers, sabi ko, huh?”

Ayon nga kay Gabby, hindi niya raw alam kung bakit parang hindi natuwa si Glaiza sa bulaklak. “Parang itim na bulaklak ang ibinigay ko eh,” biro niya.

Ito raw ang first time na binigyan ni Gabby ng bulaklak si Glaiza. Ginawa niya raw ito para magpasalamat dahil tinulungan daw siya ni Glaiza sa mga eksenang nahirapan siyang humugot noong taping day na ‘yon.

“I was so frustrated kasi siyempre they expect a lot eh. First take [ay] iyakan agad. Sabi ko, teka lang wait, I need time. Kailangang uminit. I was having a hard time. Tapos noong eksena na namin, she was so very helpful. 'Yung bigayan namin, it was snappy lang talaga 'yung bigay. So naiyak ako,” saad ni Gabby.

Dagdag pa niya, “Doon ko naibato sa kanya na mami-miss kita. So after na noong eksenang 'yon, eh di nag-cut na, hanggang sa lumabas kami sa kwarto, we were crying na hindi na part ng eksena. ‘Yung mami-miss talaga namin 'yung isa't-isa. I was so thankful because that kicked me off. Kumbaga nag-jump start sa 'kin to start my day right. So noong gabi, nagpabili ako ng bulaklak, ibinigay ko sa kanya just to say thank you. Ngunit, I was 'talk to the palm'.”

Paglilinaw nga ni Glaiza, hindi naman niya sinasadya na hindi man lang makapagpasalamat kay Gabby. Nabigla lang daw talaga siya dahil hindi siya sanay. Sa huli na lang daw niya na-realize ang dapat sana’y ginawa niya.

“Regardless of what people gave you, you should be thankful,” pahayag ni Glaiza.





SOURCE: GMA 

1 comment: