DEREK RAMSAY:'IT'S ABOUT TIME THAT I FIGHT'




Hindi naniniwala si Derek Ramsay na ang 11-anyos niyang anak ang talagang nag-compose ng sulat na ibinigay ng bata sa fiscal na humahawak ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act na inihain ng estranged wife ng aktor na si Mary Christine Jolly.
Iniabot ng anak nina Derek at Mary ang naturang sulat kay Assistant Prosecutor Erwin Dimayacyac noong September 18, kung saan naganap ang closed-door meeting sa pagitan ng aktor at ng kanyang estranged wife.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Derek sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2 sa Resorts World Manila, kagabi, September 22, ay tinanong siya tungkol sa sulat diumano ng anak sa fiscal na lumabas sa media.
Saad ng Kapatid star, “I didn’t believe… I don’t believe he wrote that.
“But I asked my son if siya ang nagsulat nun and if he meant it.
“And when he said yes, I kept my mouth shut for the rest of the meeting.
“And sabi ko, ‘Ano ba ang magagawa natin para maayos na ‘to?’”
Mula nang malaman niyang siya nga ang ama ng anak nila ni Mary noong 2011, limang beses pa lang daw itong nakakasama ni Derek.
Ang pinakahuli nga ay noong biglaang pumunta si Derek sa Makati City Prosecutor’s Office noong September 18.
Kumusta ang pagkikita nila ng kanyang anak?
Kuwento ng actor-TV host, “He called me ‘Dad’ and he said, the last time we saw each other was the best day of his life.
“I asked him about it at the meeting, on the last meeting, and he said, ‘No, I didn’t say that. I didn’t call you Dad, I hate you.’”
Posible kayang nabe-brainwash ang kanyang anak?
Saad ni Derek, “I don’t want to say anything like that.
“Like I’ve said, I’m not going to say anything bad about the mom.




SOURCE: PEP

No comments:

Post a Comment