MARIAN RIVERA, MAY NAPILI NANG WEDDING GOWN?



Excited na ang buong bansa sa magaganap na engrandeng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.

Higit sa lahat, marami ang naiintriga sa susuotin ng blooming bride.

Totoo bang may napili nang wedding gown si Marian?

Hindi lang isa, kundi sampung wedding gowns ang napili ni Marian na suotin -- pero hindi para sa kanyang kasal.

Nagmodelo si Marian ng wedding gowns na gawa ng sampu sa pinakapremyadong designers sa Pilipinas para sa isang magazine shoot.

Tuwang-tuwa ang Primetime Queen sa wedding-themed shoot.

Nag-post pa nga siya sa kanyang Instagram account na @therealmarian ng ilang outtakes mula sa napakagandang shoot.

Sa kanyang post, sinabi ni Marian na: “I'm so grateful to have been invited to model 10 wedding gowns made by some of the best Pinoy designers! Excited for this magazine to come out. Soon!”

Aniya, wala pa siyang specific design na naiisip, pero gusto niyang maging all white ang kanyang gown. Sa ngayon, dalawang designers ang kanyang pinagpipilian.

Tulad ng tradisyonal na brides, ayaw ni Marian na sukatin ang kanyang wedding gown bago siya ikasal.

Ikinuwento rin niya na magaganap ang kanyang bridal shower sa ibang bansa. Sinikreto muna niya kung saan ito.

“Ako, kakaiba, kasi ito ‘yung gusto kong puntahan at gusto kong gawin na kasama ang mga kaibigan ko,” sabi niya.




SOURCE: GMA

1 comment: