DANIEL PADILLA ADMIT HIS FAULT 'LALAKI AKO E'



Nagsalita na si Jasmine Curtis Smith tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan kaugnay sa kumakalat na audio-video recording ng diumano’y pag-uusap sa pagitan ng young actor na si Daniel Padilla at isang kaibigan nito. Laman ng sinasabing recording, na tumagal lamang ng 1 minute and 33 seconds, ang tungkol kay “Sam”—na diumano’y si Sam Concepcion—at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel na si Jasmine. Magkasama sina Daniel at Jasmine sa kasulukuyang sinu-shoot na pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Habang si Sam naman ang boyfriend ni Jasmine. Read: Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: "Tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo." CONVERSATION ABOUT JASMINE’S DAD. Sa panayam ng TV Patrol kagabi, September 22, inamin ni Jasmine na nagkaka-text nga sila ni Daniel. Pahayag niya, “He texted me to ask about my dad. All our conversations are all around about how's my father was doing, kinamusta yung operation niya.” Kasalukuyang nagpapagaling ang ama nina Jasmine at Anne Curtis na si James Curtis Smith mula sa isang operasyon. Narinig na ba niya ang laman ng naturang kontrobersiyal na recording? Sagot ng TV5 star, “I didn’t hear it properly. It was very muffled, so ano lang, 'Okay, people are thinking it was me, sige, kayo na lang bahala.'” Dahil din dito, nakakatanggap ng pamba-bash si Jasmine mula sa maraming fans nina Daniel at Kathryn, na kung tawagin ay KathNiel, sa social media. May ilan pa ngang KathNiel fans ang below the belt na ang sinasabi tungkol sa kanya. Apektado ba siya sa bashers?



SOURCE: PEP

2 comments: