CARLA ON THE SET OF ISMOL FAMILY: WE'RE ONE BIG HAPPY FAMILY



Paganda pa ng paganda ang mga eksena sa Sunday night comedy offering ng GMA na Ismol Family.

Laging sinusubaybayan ng mga loyal Kapuso viewers natin ang mga kuwelang eksena sa bahay nila Jingo at Majay.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso primetime star na si Carla Abellana, sinabi niya na napakaganda ng atmosphere tuwing taping sa Ismol Family dahil makulit at kalog din daw ang kanilang director na si Dominic Zapata.

Saad ng Kapuso actress, “Okay sobrang saya, sobrang saya ah although hindi ko sila masyadong nakakasama sa mga eksena kasi lagi akong kaharap lang ng laptop, pero masaya kasi unang-una marami kami, lahat sila makukulit so masaya lang lagi ‘yung director namin kenkoy.”

Wala nga daw pagkakaiba ang mga napapanood ng mga audience sa telebisyon at kung ano sila sa likod ng camera na maituturing na one big happy family.

“It really feels like a family, tapos it doesn’t feel like a small family, pero isang malaking pamilya na kung gaano kakulit, kung gaano nakakatuwa 'yung napapanood nila, ganun din kami off-cam so sobrang saya.”

Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa isa sa mga pinaka-favorite scene ng mga Kapuso natin sa Ismol. Ito 'yung episode na nagkasakit si Majay at ang tanging communication lang nila ni Jingo ay through their laptops.

Sweet at nakakakilig daw ang eksena nila Ryan Agoncillo at Carla Abellana kaya puring-puri ang dalawa.

Aniya, “Actually ‘yung mga eksena naman kasi ng character ko [na] si Majay mabilisan kong gawin, tapos dirediretso so there’s really not much time to prepare for the scene. 'Tsaka kung tutuusin simple lang naman din ‘yung mga eksena niya.”

Dagdag pa ng Ismol Family star, “Parang nananaginip si Majay, may sakit siya, nagdedeliryo siya. Sabik na sabik siya sa asawa niya 'yung ganun. [Gusto niya] makita ‘yung asawa niya. So nananaginip siya na nandun ‘yung asawa niya [na] inaalagaan siya.”





SOURCE: GMA

No comments:

Post a Comment