LOUISE ON GETTING BACK WITH ENZO PINEDA : HINDI NA SIGURO


Pagkatapos ikuwento ni Enzo Pineda na gusto na niyang mag-move on mula sa kanyang past relationship with Louise delos Reyes, ang dalaga naman ay nagbigay ng kanyang saloobin para sa kanyang ex-boyfriend.

Sa dami ng balitang umikot simula ng kanilang break-up ni Enzo, naging matatag na umano si Louise. Aniya, “I would say that I am stronger talaga.”

Matagal nang hiwalay si Enzo at Louise, willing na kaya silang magkatrabaho muli?

“Ako kasi ang dami kong narealize 'di ba? Kasama doon sa realization ko ‘yung let go na lang. Let go na lang ng lahat ng grudges, lahat ng kumbaga kung may bad blood ka naman against someone talagang ni-let go ko na 'yun. Mas gusto ko mag-focus ako on my craft. And kung part man siya, or magkakasama man kami, magiging partner kami sa isang production number, wala okay lang sa akin,” pag-amin ni Louise.

Sa pagiging bukas ni Louise na makatrabaho muli si Enzo, may possibility kayang magkamabutihan silang muli?

“Siguro ano na. Hindi na siguro. Kasi parang let's all move on na may natutunan na tayo. And, siguro it's better if, hindi na lang,” pahayag niya.

Inamin din ni Louise na may posibilidad naman na maging magkaibigan silang muli ni Enzo.

“In time. It will really take time na maging magkaibigan kayo ulit. Pero, I'm very open na kung magbabatian man. Maliit lang ang showbiz, maliit lang siya para hindi kayo magpansinan. We have the same circle [of friends],” saad ni Louise.

Dahil sa recharged na ang aktres para sa kanyang mga next projects, mas gugustuhin daw muna niyang mag-focus sa kanyang trabaho instead of her love life.

Aniya, “I'm not sure kasi bumabalik ako doon sa uhaw ko sa craft. So kunyari magkakaroon ako ng boyfriend, parang magiging half-baked na naman siya, siyempre magka-clash at magka-clash.”





SOURCE: GMA

1 comment: