DINGDONG NAMANHIKAN NA SA PAMILYA NI MARIAN




Namanhikan na kagabi, September 17, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Primetime Queen Marian Rivera.

Inilarawan ni Dingdong sa kanyang Instagram post ang mga traditional recipes mula sa kani-kanilang pamilya na kanilang pinagsaluhan. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga magulang sa suportang ibinigay nito nang hingin niya ang kamay ni Marian mula sa kanyang ina.

Ngunit ang pinakaimportante raw ay ang pangako ng bawat pamilya na suportahan ang isa't isa sa napipintong pag-iisang dibdib nila ni Marian.

Ayon sa kanyang post, "Tonight, we exchanged our family's best kept dishes. Mom's famous Korean beef, Lola Inkang's menudo, and "soon to be" Mama Amy's healthy lumpia. However, more to the trade of meals...a promise was served between two families who support and understand each other, under the spirit of this coming marriage. I am grateful to my whole family for being there with me (except Angelo who had to attend to his studies), especially to my parents for taking the lead in asking for her hands. Nothing beats tradition. Philippine tradition. Ultimately, thank you to Lola Inkang, tito Leo, and tita "Mama" Amy for once again instilling the blessing. Now, we are all looking forward to the sweet dessert that a married life has to offer. Cheers! #pamamanhikan2014 #OKdinKayErpatsNiyaNoonPang2012"

Bago nag-post si Dingdong ay nauna nang ibinalita ni Marian sa kanyang Instagram ang pamamamanhikan kagabi, "Pamamanhikan - Ito ang isa sa pinakamahalagang ginagawa ng iyong magiging asawa na kasama ang kanyang pamilya upang hingin ang iyong kamay mula sa iyong mga magulang! Yaaay kinikilig ako mamaya na ito...”

At ngayong umaga, ipinahayag ni Marian ang kanyang tuwa sa naganap na okasyon. Nagpasalamat siya sa pamilya Dantes dahil sa ipinakita nilang respeto at pagmamahal sa kanya sa nakalipas na limang taon.

Sa kanyang post, sinabi ng Primetime Queen na, "I had tears of joy last night because I felt so valued and blessed. I am so grateful to have my family by my side, to support and love me, unconditionally. To the Dantes family, thank you for making me feel welcome, thank you for the respect, and for showering me with love for over the past 5 years. Thank you Lord for giving me these two beautiful families in my life! #Pamamanhikan2014 #SiPapaTaposNaNoong2012

Sa hiwalay na interview ay ibinagi rin ni Marian na hindi niya balak isukat ang kanyang wedding gown bago ang kanilang kasal.

Kinikilig din si Marian dahil sa araw ng kanilang kasal ay susurpresahin daw siya ng kanyang husband-to-be sa magiging bridal processional song niya papasok ng simbahan.





SOURCE: GMA

1 comment: