MARIAN NASA HONGKONG PARA SA BRIDAL SHOWER


Bumiyahe patungong Hong Kong ngayong araw, September 22, si Primetime Queen Marian Rivera para sa kanyang unang bridal shower.

Sa kanyang Instagram post ay makikitang masayang nakarating sa Hong Kong si Marian kasama ang kanyang ina at lola.


Kasama rin niya ang ilan sa mga matatalik niyang kaibigan tulad nina Ana Feleo at Boobay. Dagdag pa ng bride-to-be, alam daw niyang may inihandang sorpresa ang mga ito para sa kanya.
At ngayong umaga, nagpasalamat si Marian sa kanyang mga kaibigan na dumalo sa bridal shower. Ilan sa kanila ay sina Boobay at Ana Feleo, ang kanyang manager na si Perry Lansigan at ang celebrity make-up artist na si Bambi Fuentes.

Aniya, "Nag uumapaw na kaligayahan, yan ang palagi ninyong pinaparamdam sa akin! Salamat ng marami... @anagfeleo @joylynsantos @boobay7 @perrylansigan @bambbifuentes @thepaololuciano @john_paul_dizon @raymond_abanilla @Mama @Nanay @accesstravelph #1stBridalShowerNiYan" -


SOURCE: GMA

No comments:

Post a Comment