CHARIZ SOLOMON EXCITED TUWING MONDAY


Hindi man pinalad na magwagi sa Starstruck: The Next Level si Chariz Solomon nagawa nito gumawa ng marka sa Philippine showbiz industry as one of the most promising comedic talent.

Regular siyang napapanood sa longest running gag show na Bubble Gang every Friday at semi-regular siya sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, bilang asawa ni Patrick played by John Feir.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Chariz, hindi nito maitago ang sobrang kasiyahan na mapasama sa cast ng Bubble Gang. Aniya, she always look forward to working on a Monday, dahil napakagaan ng working environment sa Bubble Gang.

“Pag Monday lagi akong excited mag-taping kasi gusto ko ‘yung ginagawa ko dito eh napaka-productive namin lahat dito. Lahat talaga kami may part, lahat kami mahal namin ang isa’t-isa. Iba talaga ‘yung bonding namin… kaya lagi akong excited kapag Monday. Sa iba di ba ‘yung Monday very stressful? Sa akin masayang-masaya ang Monday ko.”

Dagdag pa ng StarStruck alumna, family na daw ang turingan nila sa isa’t-isa at ibang klase na ang closeness nilang mga artista sa show.

“Actually mayroon kaming Viber group na kami-kaming mga cast nagkwekwentuhan, nagbo-bonding and every Sunday nagkikita ‘yung mga boys nagba-basketball sila. Minsan sumasama ako at ‘yung husband ko. Ganung ka-close na ganung level.”

Nakakataba din daw ng puso na ang tulad ni Michael V, na sikat na, ay nagee-exert pa rin ng effort na mapalapit sa katulad niya at good leader daw ang funny comedian.

“Siyempre pinamunuan ‘yun ni Kuya Bitoy. Siya nagsimula nun lahat. So nakakatuwa kasi ang isang Michael V. nagre-reach out sa amin na mga nagsisimula pa lang, mga bagong members. So nakakatuwa sobra!”

Kaya kung hanap ninyo mga Kapuso ang unli-laugh trip, abangan niyo sa darating na October ang special 19th anniversary episode ng Bubble Gang, dahil maraming pasabog ang inihahanda para sa lahat ng mga loyal Kababol. Abangan niyo yan!



SOURCE: GMA

1 comment: