DENISE BARBACENA ON BUBBLE GANG: SANA IN THE NEXT 19 YEARS KASAMA PA RIN AKO

Pinahanga tayo ng Bubble Gang star na si Denise Barbacena nang makasama niya si Gloc-9 para kantahin ang 2013 elections theme song ng GMA News & Public Affairs na ‘Dapat Tama.’

And now, pinapatawa naman niya ang milyung-milyong Kapuso viewers every Friday night sa longest running and multi-awarded gag show na Bubble Gang.

Kuwento ng comedy actress sa GMANetwork.com, hindi niya namalayan na malapit nang i-celebrate ng show ang 19th anniversary nito at halos mag-iisang taon na mula noong naging part siya ng kuwelang barkada.

Ani Denise, “Actually sobrang sa sobrang [sic] saya lang ng work hindi ko namalayan na isang taon na pala kami. Parang oo nga noh in a few months anniversary na naman, tapos siyempre hopeful and positive pa rin na in the next nineteen more years kasama pa rin kami.”

Ayon sa pretty star ang "recipe for success" ng Bubble Gang ay ang buong pusong pagmamahal ng cast at production team para maibigay sa mga loyal viewers ang isang quality show.

Aniya, “Unang-una mahal nila 'yung show like they put efforts together kung ano 'yung ikagaganda ng show. Kumbaga walang leader, walang isang head, kumbaga lahat may part dun sa show. So 'yun ‘yung maganda kasi open sila for suggestion and  new opinions ganyan. So love nila 'yung show so lahat ginagawa nila para mapaganda.”

Abangan ang special 19th anniversary episode ng Bubble Gang sa October, dahil maraming sorpresa at pasabog ang nag-iisa at hindi mapantayang comedy gag show ng bansa.





SOURCE: GMA

2 comments: