KRIS BERNAL DUMAAN SA IMMERSION PARA SA HIRAM NA ALAALA



Kung sina Rocco Nacino at Dennis Trillo ay dumaan sa training ng Philippine Military Academy para sa roles nila bilang mga sundalo sa Hiram na Alaala, si Kris Bernal naman ay may kakaibang preparation din. Ayon sa aktres, who will play the role of Andrea, hindi lamang panonood ng war-themed movies tulad ng Pearl Harbor at In Love and War ang ginawa niyang paghahanda. Nag-immersion daw siya sa Tanay, Rizal at nag-interview ng asawa ng tatlong sundalo. "Iba-iba sila ng kuwento. 'Yung isa, namatayan na siya at ayaw na niyang ma-in love. 'Yung pangalawa, namatayan siya pero na-in love pa siya. 'Yung third naman, hindi pa naman siya namamatayan pero 'yung kaba na nararamdaman niya lagi kapag wala 'yung asawa niya," kuwento niya sa nakaraang bloggers' conference. Dagdag pa niya, "Kailangan ko siyang pakiramdaman. Inaral ko kung paano sila nagkukuwento, 'yung napaka-fresh pa sa isip nila 'yung feeling na nawalan sila ng mahal sa buhay." Ito raw ang pinaka-mature na role na gagampanan ni Kris, at aware siya sa kung ano ang puwedeng hingin sa character niya. "Puwede akong magkapamilya, magkaanak, ikasal, magka-love scene, [kaya] kailangan ko na ring ibahin ang atake ko sa acting. Hindi na ako 'yung teenybopper na nagpapa-cute lang. Wala nang ganoon. Tipid na tipid na rin 'yung ngiti ko. Kailangan talaga ma-convince ko 'yung audience na woman na talaga ako, na hindi na ako 'yung dati na super sweet lang," dagdag niya.




SOURCE: GMA

1 comment: