MARAMING SIYANG GIMIK - CHEF BOY LOGRO ON BETTINNA CARLOS



Ilang buwan nang magka-tandem sina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa Idol sa Kusina pero marami pa rin umanong nadi-discover ang kuwelang chef sa kanyang partner. Para kay Chef Boy, si Bettinna ang nagbibigay buhay sa tandem nilang dalawa sa kanilang show. Aniya, “She's really funny, and has a lot of techniques. Parang napakagandang tandem kasi parang may batuhan kami. Napakadaling magtrabaho [kasama si Bettinna]”. Dahil nag-aaral si Bettinna sa culinary school ni Chef Boy, ibinahagi nito na proud siya sa kanyang scholar dahil sa kanyang mabilis na pag-pick up ng techniques. Pahayag ni Chef Boy, “She's a fast learner, ika nga mabilis matuto, ika nga marami siyang gimik. Alam ko naman na marami siyang matutunan dahil sa pagluluto”.





SOURCE: GMA

1 comment: