JAMES REID WELCOMES RIVALRY WITH DANIEL PADILLA
First time rarampa ang Fil-Aussie teen actor-singer na si James Reid sa Cosmo Bachelor Bash, na gaganapin sa September 24, sa World Trade Center. Ayon kay James, diet lang ang ginawa niya bago nangyari ang kanyang pictorial para sa Cosmo Centerfolds, na kalakip ng Cosmopolitan Magazine September 2014 issue, dahil naging abala siya nitong mga nakaraang buwan para sa promo ng lumabas na pelikula nila ni Nadine Lustre, ang Talk Back and You’re Dead. Pero nangako siyang babalik uli sa pagwu-workout para paghandaan ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash. Gaano siya ka-excited sa unang pagrampa niya para sa Cosmo? Sabi ni James, “Sobrang excited ako! “Actually, I always wanted to do Cosmo, I don’t know why. “Now na nakasama ako, excited talaga ako.” Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa press conference ng Cosmopolitan para sa kanilang celebrity centerfolds noong Martes, September 9, sa ballroom ng Luxent Hotel. TOPLESS PHOTOS. Bago pa man lumabas ang Cosmo Centerfolds 2014, nagkalat na sa Internet ang topless photos ni James. Mayroon din siyang ilang shirtless scenes sa launching movie niyang Diary Ng Panget at maging sa Talk Back and You’re Dead. Tinanong namin si James kung sanay na ba siyang half-naked sa kanyang projects. Sagot niya, “Oo, medyo. “After GGV [Gandang Gabi Vice], Vice wants me to take my shirt off, I’m getting used to it.” Hindi ba siya napipilitan lang magtanggal ng damit o dulot ito ng pangangailangan sa career o sadyang nag-e-enjoy siyang ipakita ang katawan niya sa publiko? Sabi ni James, “Of course, nag-e-enjoy lang ako. “I like the reaction of the crowd. Of course, truly flattering.
SOURCE: PEP
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment