JM de Guzman on his biggest lesson after overcoming his drug problem: “Siguro, para sa akin, 'pag bumagsak ka man, okay lang, basta bumangon ka uli. Huwag kang manatili doon sa ibaba.”
PHOTO: ALLAN SANCON
Matapos ang matinding pinagdaanan ni JM de Guzman sa kanyang buhay dahil sa pagkakalulong niya sa droga at napunta sa rehab, handa na siyang muling magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng teleseryeng Hawak Kamay kasama sina Piolo Pascual at Iza Calzado.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press kay JM sa taping ng Hawak Kamay sa isang condotel sa Timog Avenue, Quezon City, ay inilarawan ng aktor ang kanyang role.
“Ang magiging role ko po rito sa Hawak Kamay ay si Bryan, magiging daddy ko rito si Sir Tirso [Cruz III] at magiging half-brother ko si Piolo.
“Yung character niya ay medyo opposite sa character ni Piolo. Merong pinagdadaanan yung character ni Bryan sa teleseryeng ito.
“Sa konting pagkakaalam ko sa karakter namin ni Piolo rito ay magka-clash ang aming karakter.”
Dahil ito ang kanyang unang project matapos niyang mawala nang matagal, hindi ba siya nangailangan ng malaking adjustment para magampanan nang mabuti ang kanyang papel?
Sagot niya, “Ang nararamdaman ko ngayon, bukod sa excited ay sobrang kaba rin.
“Pero masuwerte pa rin ako na nabigyan pa po ako ng isa pang chance na makabalik sa pag-acting at makasama ang magagaling na actor, 'tulad nina Sir Tirso at Piolo.”
Ano naman ang naging reakiyon ni JM nang i-offer sa kanya ang Hawak Kamay, na kauna-unahan niyang project matapos ang mahabang panahon?
"Excited po talaga. Sobra!" bulalas niya.
“Actually, parang last month pa po nabanggit na baka sakali na maipasok po ako sa Hawak Kamay, pero wala pa po talagang assurance.
“So, kahapon, noong nai-text ako na mag-start na raw po akong mag-taping, ayun, talagang masaya po ako.”
ADJUSTMENT. Tinanong ng PEP si JM kung nahirapan ba siyang mag-adjust pagkatapos niyang ma-rehab.
Saad niya, “Noong mga first few weeks and first month, mahirap talaga, parang ang hirap mag-adjust.
SOURCE: PEP
No comments:
Post a Comment