WALA NAMAN AKONG KAILANGAN PATUNAYAN - ENZO PINEDA ON GAY RUMORS



Kahit ilang relationship issues na ang pinagdaanan ni Enzo Pineda patungkol sa kanila ng ex-girlfriend na si Louise delos Reyes at ang kanyang special non-showbiz girl, hindi pa rin nawawala ang mga issues patungkol sa kanyang sexual preference. Kahit na umiikot ang gay rumors, matapang na sinagot ni Enzo na kaya niyang gumanap ng isang gay role. Aniya, “Para sa akin, for me I would accept. Kasi it's part of being an actor. Para sa akin ang guy na actor magaling mag-portray ng gay”. Sa usaping kissing scene, mukhang hindi pa sigurado ang aktor kung kaya niya ito. “Tignan natin,” maikling pahayag ni Enzo. Ipinahayag ng StarStruck alumnus na hindi siya nababahala kahit maraming naghihinala sa kanya. Saad ni Enzo, "hindi naman ako bothered kasi I know myself. Wala naman akong kailangang patunayan". Ibinigay rin ni Enzo ang mga posibleng dahilan kung bakit patuloy na nagsi-circulate ang gay rumors. "Siguro people see me as someone nice, prim and proper, refined. So they would think it's too girly or not manly. Pero para sa akin kasi ganito naman ako pinalaki." "Para sa akin, I just do whatever I want to do," pagtatapos ni Enzo. -



SOURCE: GMA

No comments:

Post a Comment