COMEDIENNE TIA PUSIT UNDERGOES DOUBLE BYPASS SURGERY

Kahit may iniindang karamdaman, mataas pa rin daw ang morale ng komedyanang si Tia Pusit, na sasailalim sa double heart bypass operation ngayong araw, September 9. PHOTO: ARNIEL C. SERATO Ngayong araw, September 9, nakatakdang sumailalim sa double heart bypass surgery ang komedyanang si Tia Pusit—o Myrna Villanueva sa totoong buhay. Sa panayam kay Nova Villa ng ABS-CBN News, sinabi nitong kahit na may karamdaman ang kanyang kapatid ay "in high spirits" pa rin ang 64-year-old comedienne, na kasalukuyang naka-confine sa Philippine Heart Center. Pahayag ni Nova, “Kapag kausap mo naman siya, nandun pa rin ang humor niya. “Gusto niyang mabuhay. "Yung mga dreams niya, yung mga gusto niyang mangyari na hindi ko pa narinig noon, ngayon, gusto niyang gawin. “Something like ‘Kapag ako gumaling’ or ‘Kapag ako malakas na.’ "Magaganda yung mga gusto niyang gawin. Meron siyang mga gustong tulungan." Suportado raw ng buong pamilya si Tia Pusit at nag-aalay sila ng misa para sa agarang paggaling nito. Saad pa ni Nova, “The mere fact na siya ay ooperahan, ibig sabihin ay talagang grabe yung mga bara sa puso niya. "Sometimes, kapag nagkakaedad na, umaandar na din yung genes ng pamilya na hindi na rin maiiwasan. “Naging iba yung pananaw niya. Sabi ko, ‘Of course you’re going to survive itong krisis na ito.’” Bukod sa nakatakdang opersayon sa puso, sumasailalim din sa dialysis sessions si Tia Pusit tatlong beses sa isang linggo. Nananawagan din ang pamilya ni Tia Pusit ng dasal mula sa publiko. 




CRY FOR HELP. Huling linggo ng Agosto nang lumutang sa social media ang panawagan para sa pinansiyal na tulong kay Tia Pusit. Nauna na rito ang Facebook post ng komedyanang si Beverly Salviejo na kalaunan ay ipinost naman si Paula Peralejo sa kanyang Instagram account.




SOURCE: PEP

No comments:

Post a Comment