EDU MANZANO SUSPECTS RICKETTS CRONIES FOR DEATH THREAT
Inihayag ni Edu Manzano na mayroong banta sa kanyang buhay dahil sa maling alegasyon na may kinalaman siya sa pagkasuspinde ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts. Sa kanyang Twitter post ngayong araw, September 9, ibinahagi ni Edu ang natanggap niyang “death threat,” sa pamamagitan ng isang text message, mula sa isang hindi nakikilalang personalidad. Dito ay nakasaad na si Edu diumano ang nag-impluwensiya kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na suspendihin si Ronnie bilang OMB chairman. Kaugnay ito ng napabalitang pagpapabaya diumano ni Ronnie sa isang post-raid operation ng OMB laban sa Sky Marketing Corporation (Sky High). Napag-alaman kasi sa isang imbestigasyon na hinayaan diumano ni Ronnie na i-release ang nakumpiskang kahun-kahong pirated DVDs, VCDs, at video recorder ng naturang kumpanya, noong May 27, 2010. Bunsod nito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Ronnie at ilan pang opisyal ng OMB. Read: Ronnie Ricketts suspended as Optical Media Board Chief; set to file for reconsideration Ito ang nilalaman ng “death threat” o text message na natanggap ni Edu bandang 1:17 P.M. ngayong araw: “HOY MANZANO! ALAM NMEN NA IKAW NAG SBI KAY OMBUDSMAN N IPITIN AT SUSPEND SI CHAIRMAN RONNIE, MAY ARAW KA DIN GAGO! HUMANDA KA DIYAN PWERA TAKAS!” Hindi naman nagpatinag si Edu at nakipagpalitan pa ng mensahe sa ‘di nakikilalang tao. “Matagal na akong handa. lagi akong handa, at kayo ang hindi handa para sa akin. “Anong akala mo? Kayo ang gugulat sa akin? INAANTAY KO KAYO, GAGO! “Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kaswapangan ninyo kaya kayo sumabit!” ganting-sagot ni Edu, base sa ipinakita niyang screen shot ng banta sa kanyang buhay. EDU SLAMS "RICKETTS CRONIES." Base sa mga sumunod na Twitter posts ni Edu, naniniwala siyang ang kampo ni Ronnie ang may pakana ng naturang “death threat.”
SOURCE PEP
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment